Friday, November 8, 2013

14 domestic flights, kanselado ngayong araw

SUSPENDIDO pa rin ang ilang domestic flights ngayong araw dahil sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda.


Ayon sa pamunuan ng Air Asia, kabuuang 14 na domestic flights ang kanilang kinansela lalo na ang mga biyaheng papuntang Visayas.


Ayon sa pahayag ni Jenny Bugarin-Tan, public relations office ng AirAsia, kabilang sa cancelled flights ang 10 biyahe mula Manila-Kalibo-Manila; 2 biyahe papuntang Manila-Tacloban-Manila at Philippine AirAsia flight mula Manila-Kalibo-Manila.


Samantala, mananatiling sarado hanggang sa Lunes ang apat na airports sa Visayas.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), magiging sarado hanggang ngayong araw ang Caticlan at Roxas airports habang ang Tacloban City Airport ay sarado hanggang Linggo at Lunes naman ang Kalibo Airport.


Paliwanag ng CAAP, malubhang sinalanta ng bagyo ang nasabing apat na paliparan kaya kailangan munang ayusin o kumpunihin.


The post 14 domestic flights, kanselado ngayong araw appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



14 domestic flights, kanselado ngayong araw


No comments:

Post a Comment