Friday, November 15, 2013

Mikael Daez at Ervic Vijandre parehong tinatanggi ng mga GF na beauty queen!

TALAGANG kumpirmadong nagpunta ng London ang hunk model-actor na si Mikael Daez para makasama ng kahit ilang days lang ang girlfriend na Ms. World 2013 na si Megan Young. Kaso mo, sa sobrang higpit daw ng mga taong nasa likod ng Miss World ay pinagbawalan ang aktor na magpakuha ng picture sa kanyang nobyang beauty queen actress kaya nakuntento na lang siya sa hindi kahabaang oras ng kanilang date.

Ang masaklap pa ay pinagmadali raw si Mikael na pauwiin ng Pilipinas at baka makaistorbo pa siya sa pupuntahang activities ni Megan.

Iba naman ‘yung nangyari kay Ervic Vijandre na boyfriend ng tinanghal na Miss Universe 2013 3rd Runner-up na si Ariella Arida. Kasi nang magpunta sa Moscow, Russia ang ex ni Ms. Marian Rivera, hindi siya itinago ni Ariella kundi inirampa pa nito ang boyfriend na Kapuso actor.

Ang pangit lang, dahil sa iniingatan niyang career as international beauty queen titlist, pagbalik ng Pinas ay buong ningning na itinanggi ni Ariella si Ervic. At sabi pa nito ay magkaibigan lang talaga sila.

Like Mikael, hindi ba’t hindi lang si Megan ang nag-deny sa kanya maging ang mommy ng kasintahan ay barkada lang ni Megan ang turing sa kanya. Pero dahil totoong mahal ni Mikael ang ating kauna-unahang Miss World ay tinatanggap niya ang sitwasyon at kayang-kaya nitong magtiis alang-alang sa kanyang pagmamahal.


Sa kaso ni Ervic, hindi kami sure kung hanggang kailan siya tatagal kay Ariella na kung ipaglaban niya ay parang asawa na nito ang nasabing beauty queen. Ay, ay, ay pag-ibig. Nakababaliw gyud!


The post Mikael Daez at Ervic Vijandre parehong tinatanggi ng mga GF na beauty queen! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mikael Daez at Ervic Vijandre parehong tinatanggi ng mga GF na beauty queen!


No comments:

Post a Comment