Tuesday, November 12, 2013

11 arestado sa bolahan ng jueteng

KAKASUHAN ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling Law ang 11 katao na naaresto sa isinagawang raid ng mga pulis sa bolahan ng jueteng sa Ilagan City.


Ang pagsalakay sa bolahan ng jueteng sa Marana 1st, Ilagan City ay isinagawa ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Ilagan City Police Office.


Nakumpiska sa raid ng mga pulis ang mga jueteng paraphernalia tulad ng mga papelitos at cash na P11,000.


Sa 11 katao na naaresto ay isa pa lamang ang kinilala na si Mar Paminsan, 22, tubong Bacolod City ngunit pansamantalang naninirahan sa Marana 1st, Ilagan City.


The post 11 arestado sa bolahan ng jueteng appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



11 arestado sa bolahan ng jueteng


No comments:

Post a Comment