Tuesday, November 12, 2013

Salary adjustments ng NPC employees, walang basehan—CA

Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon noong 2009 ng isang regional trial court na nag-aatas sa National Power Corporation (NPC) na bayaran ang mga kawani nito ng P549.4 milyon bilang step increment adjustment (SIA) sa sahod ng mga ito.



Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Melchor Sadang, inihayag ng CA na walang malinaw na karapatan ang mga empleyado para makatanggap ng SIA dahil hindi ito aprubado ng Department of Budget and Management (DBM).


Ang SIA para sa mga kawani ng NPC ay nakasaad sa Circular 2001-51. Base sa mga liham sa NPC Board noong Nobyembre 26, 2001 at Mayo 8, 2002, hindi inaprubahan ng DBM ang salary adjustment. Dahil dito, inamyendahan ng NPC ang SIA sa Resolution 2002-81.


Ayon sa DBM, ang pagpapatupad ng SIA ay magreresulta sa paglobo ng fund requirement para sa separation benefits ng mga empleyado, bunsod ng planong pagsasapribado ng ahensiya.


Sa pagbaligtad sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court, sinabi ng CA na “there is no allegation… that the DBM had approved the step increment or net salary adjustment, hence, there is no more substantial challenge to their right thereto, or that the validity of NPC Circular No. 2001-51 had already been settled.” – Rey Panaligan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Salary adjustments ng NPC employees, walang basehan—CA


No comments:

Post a Comment