Friday, November 22, 2013

Hobe, Skyforce, wagi sa DELeague

Tinambakan ng nagdedepensang kampeong Hobe Bihon ang PL Antipolo, 88-76, habang ginulat naman ng Skyforce ang Sta. Lucia East Grand Mall, 78-74, sa pagbubukas ng single round-robin semifinals ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup noong Huwebes ng gabi sa Marikina Sports Center.



Gumawa ng 15 puntos at 5 rebounds si Ramsey Williams at umiskor naman ng 13 puntos ang dating PBA Best Import awardee na si Jamelle Cornley para pangunahan ang Hobe Bihon sa unang panalo sa semis.


Lamang sa 63-48 ang Hobe Bihon nang sinubukan ni Mark Pangilinan na ihabol ang PL Antipolo sa fourth quarter. Kahit pa gumawa ang 20 sa kanyang game-high 25 puntos sa final canto, kinapos pa rin itong ihatid ang kanyang koponan sa panalo.


Sa isa pang laro sa liga na itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at suportado ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort, ipinalasap ng Skyforce sa Sta. Lucia East Grand Mall ang una nlaong kabiguan sa torneo.


Pinangunahan nina Clifford Rodriguez, 18 puntos, at dating PBA player na si Marlou Aquino, 13 puntos, ang Skyforce.


Tumapos naman na may 16 puntos at 13 puntos ang mga dating PBA player na sina Celedon Camaso at Francis “Kiko” Adriano para sa Sta. Lucia East Grand Mall. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hobe, Skyforce, wagi sa DELeague


No comments:

Post a Comment