Saturday, November 9, 2013

1, 200 katao posibleng namatay kay ‘Yolanda’

MALAKI ang posibilidad na aabot pa sa mahigit 1,200 ang bilang ng mga namatay dahil sa supertyphoon Yolanda sa Eastern Visayas.


Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Gwendolyn Pang, sa Tacloban City ay halos 1,000 na ang patay, habang sa Samar province ay mahigit 200.


May mga tauhan rin silang nagtungo agad sa mga apektadong lugar para magsagawa ng rescue effort.


Ito rin ang mga nagbigay sa kanila ng inisyal na impormasyong posible pang tumaas ang bilang ng mga patay dahil sa lawak ng pinsala.


Marami ring lugar na walang linya ng komunikasyon kaya hindi agad nailalabas ang kabuuang detalye ng mga sinapit ng mga residente.


Gayunman, tuloy-tuloy ang pagtulong ng pamahalaan at Red Cross sa mga nasalanta ng bagyo hanggang sa tuluyan silang makabangon.


The post 1, 200 katao posibleng namatay kay ‘Yolanda’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



1, 200 katao posibleng namatay kay ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment