Saturday, November 9, 2013

Igorot MMA fighters patuloy ang ensayo

PATULOY ang ensayo ng mga Igorot mixed martial art fighters ng Team Lakay para sa nalalapit na laban sa One Fighting Championship (One FC) sa Disyembre 6, 2013 sa Mall of Asia Arena (MOA), Pasay City.


Ayon kay One FC Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario, nakahanda na siya para sa laban niya kontra kay Koji Oishi ng Japan na UFC veteran at One FC’s featherweight champion.


Ang 24-anyos na MMA fighter ay may rekord na 8-wins at 2 losses habang si Oishi ay 24-wins, 8 losses at 11 na draw.


Naniniwala si Banario na napalakas na ng kanyang ground training.


Samantala, tiniyak din ni 26-anyos na URCC Flyweight Champion na si Kevin “The Silencer” Belingon na handa siyang patumbahin ang pambato ng Spain na si David Aranda Santacana the undefeated.


Si Belingon ay may rekord na 11-wins at 3-losses habang si Santacana ay 9-wins at no loss.


Ayon sa kanya, patuloy ang kanilang training sa ground fighting, striking, jujitsu at wrestling, at tumutulong sa kanila ang isang dating Olympian na Iranian coach.


Tiwala ang mga Baguio pride boxers na sapat ang dalawang buwang ensayo at hindi magiging problema ang kanilang timbang para sa laban.


The post Igorot MMA fighters patuloy ang ensayo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Igorot MMA fighters patuloy ang ensayo


No comments:

Post a Comment