Saturday, November 9, 2013

3 patay, 1 sugatan sa sunog sa Manila

Tatlong babae ang namatay habang isang lalaki naman ang sugatan sa isang sunog sa isang residential area sa Sta. Mesa, Manila kahapon ng madaling araw.


Batay sa report ni SFO3 Joseph Aligue, ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Lily Aguilar, Benilda Dionisio at Neri Aguilar, magkaaanak at residente ng 604 Makisig Street, Bacood, Sta. Mesa, Manila.



Samantala, nasugatan naman sa insidente si Ryan Dionisio nang madikitan ng apoy ngunit nagawa pa ring makalabas ng bahay sa kasagsagan ng sunog.


Dakong 1:19 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Leopoldo Dionisio, na siya rin umanong mayari ng Leonile Meat Shop.


Ang biktimang si Lily ay natagpuan sa loob ng kuwarto sa unang palapag ng bahay habang sina Neri at Benilda ay natagpuan sa loob ng kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 patay, 1 sugatan sa sunog sa Manila


No comments:

Post a Comment