Sunday, June 1, 2014

SINUPORTAHAN NG DSWD-REGION 1 ANG CONTRACTUAL COVERAGE NG SSS

ang-inyong-lingkod-hilda-ong19 ANG pagsasama ng Social Security System (SSS) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay umabot na hanggang hilaga ang kanilang sinasakupan. Mahigit 500 Job Order (JO) at contractual workers ng DSWD Field Office 1 ang nasakop bilang self-employed SSS members at bilang bahagi ng isang kasunduan ng dalawang ahensya ngayong taon.


Iniabot ni DSWD Region 1 Director Marcelo Nicomedes Castillo ang tseke na nagkakahalaga ng P235,400.00 kay SSS La Union Officer-in-Charge/Branch Head Francisco Pentecostes na nakapagkolekta gamit ang salary deduction bilang kabayaran para sa kontribusyon para sa buwan ng Abril 2014 ng 535 JO at contractual DSWD workers mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa DSWD Field Office 1 ng San Fernando, La Union noong May 12, 2014.


Karamihan sa mga DSWD workers na naiulat at saklaw sa SSS coverage ay natanggap para sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang ang iba naman ay nakabase sa regional office. Ang kasunduan ng SSS na mga ahensyang pinapatakbo ng gobyerno tulad ng DSWD ay naglalayong palawakin pa ang social protection sa kanilang JO at contractual workers na hindi nakasama sa ipinag-uutos na coverage ng Government Service Insurance System.


-oOo-

Happy Birthday to NWRB Birthday Celebrants, sana’y maging maligaya kayo sa inyong kaarawan! For the month of June 2014: Francis B. Hilarie (June 4), Perseus L. Cruz (June11), Annalissa A. Colina (June 17), Nora M. Andrade at Jose B. Beltran (June 20), Cleofin G. Bumatay (June 23), Josephine R. Billones (June 24), Panfilo G. Manalastas (June 24) at Pedro E. Macaspac (June 29).


The post SINUPORTAHAN NG DSWD-REGION 1 ANG CONTRACTUAL COVERAGE NG SSS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SINUPORTAHAN NG DSWD-REGION 1 ANG CONTRACTUAL COVERAGE NG SSS


No comments:

Post a Comment