ILIGAL na droga at ang pagiging drug convict ang mga pangunahing dahilan kung bakit nalaglag sa listahan ng mga pararangalan bilang National Artist ang Superstar na si Nora Aunor.
Sa kauna-unahang pagkakataon, umamin na rin si Pangulong Benigno Aquino III na ang pagkaka-convict at pagkakaparusa kay Nora Aunor dahil sa iligal na droga ang dahilan kung bakit hindi ito napasama sa anim na pararangalan bilang National Artist.
“Ngayon ang naging problema ko lang doon, alam naman natin lahat na iginagalang ko ulit si Binibining Nora Aunor, na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan at ang tanong ngayon dito, ‘pag ginawa ba nating national artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan. Alam ninyo iyong drugs meron tayong lokal na problemang pagkatagal-tagal na. Sinamahan pa ng nakita naman ninyo iyong mga reports na may West African syndicates, merong tila umano Mexican syndicates na pumapasok na sa Pilipinas at nagkakalat ng bawal na droga,” paliwanag nito.
Sinabi pa rin ng Pangulong Aquino na noong humarap aniya sa kanya ang mga nominado ay isa ang naging katanungan niya at ito ay kung anong titulo ang kanyang ibibigay.
At sa kanya aniyang pananaw ay ang isang National Artist o binibigyan ng karangalan, papuri ay malaki ang inambag sa lahing Pilipino at dapat tularan at hindi aniya iyong mag-iiwan ng mensahe na pwede palang maging National Artist ang isang drug convict.
“Ayokong magkaroon ng mensahe na kung minsan pwede iyong iligal na droga or acceptable. Iyong dapat iyong mensahe it is always bad and illegal drugs do nobody any good; and I cannot emphasize that message enough, ano, and at the same time parang raise Ms. Nora Aunor to be a national — I repeat, ano, iyong the National Artist,” diing pahayag ng Pangulong Aquino sabay sabing “Ngayon palagay ko naman kung ginagawa ko siyang national artist, may kabilang panig namang magsasabing: “Paano siya as a role model?” So ganu’n talaga itong trabahong ito, maski anong desisyon ko, meron talagang papanig doon sa salungat sa anomang desisyon ko.”
Tinuran ng Chief Executive na iginagalang niya si Nora Aunor, kinikilala niya ang trabaho nito at mga obra pero ang problema niya aniya ay naging sangkot ito sa iligal na droga.
“Iyong droga.. zero tolerance tayo dito — mali all the time,” ayon pa kay PNoy.
Sa kabilang dako, sa panayam pa rin sa Pangulong Aquino matapos ang pagdiriwang ng ika-67th Anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark Air Base, Pampanga ay biglang bawi ito sabay pagmamalaki na isa ang kanyang amang na si dating Senador Benigno Aquino, Jr. na tagahanga ni Nora Aunor at maging siya aniya ay humahanga rito.
“Tandaan natin ang kwento niya, nagtitinda sa bus — ‘di ba mga bus stations noong araw, napunta doon sa “Tawag ng Tanghalan” at mula doon siya naging superstar and the singular superstar, okay,” anito.
The post PNoy kay Nora Aunor: “Iyong droga..mali all the time” appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment