Friday, June 27, 2014

2 tigok, 4 malubha sa karne ng pawikan

PATULOY na nilalapatan ng lunas ngayon sa ospital ang isang padre de pamilya at ang kanyang tatlong anak matapos lamunin ang karne ng pawikan sa Aroroy, Masbate.


Nabatid na ang kinaing karne ng pawikan ang dahilan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ng mag-aamang Jose Bernales, Jella, Gerson at Jesebel.


Napag-alamang mula sa kapitbahay ang nilutong karne ng pawikan ay ibinigay lamang sa pamilya Bernales.


Matapos kainin, agad na sumama ang pakiramdam ng dalawang bata na sina Kimberly at Joel.


Naitakbo pa sana ang dalawa sa ospital subalit hindi na rin naisalba ang mga ito.


Maging ang aso umano ng naturang pamilya na nakakain ng karne ay namatay din.


The post 2 tigok, 4 malubha sa karne ng pawikan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 tigok, 4 malubha sa karne ng pawikan


No comments:

Post a Comment