NANAWAGAN ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGU’s) na mahigpit nilang ipatupad sa kanilang nasasakupang lugar ang Republic Act 9003 Ecosolid waste management act o mas kilalang waste segregation scheme.
Ayon kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, malaking tulong umano ang pagpapatupad ng waste segregation scheme upang maibsan ang pagbaha partikular na sa kalakhang Maynila dahil mapananatiling malinis ang kapaligiran at wala nang babarang basura lalo na ang mga plastic sa daluyan ng tubig at estero.
Dagdag pa nito, marami umano ang hindi sumusunod sa waste segregation scheme na kung iisipin ay napakadali lamang nitong gawin kung saan ihihiwalay lamang ang nabubulok sa hindi nabubulok na mga basura.
Aniya, kailangang bigyang-pansin ng mga lokal na pamahalaan na ipatupad na nila ang tamang pagtatapon ng basura lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Inihalimbawa pa ni Jimenez ang lungsod ng Quezon kung saan may umiiral na ordinansang “No segregation, No collection.”
The post Waste segregation scheme sa nasasakupang lugar, ipinatutupad appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment