Sunday, June 29, 2014

MILF officials nagla-lobby na para sa BBL

KINUMPIRMA ng ilang kongresista na nagsimula nang mag-lobby sa mga mambabatas ang mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang makuha ang suporta para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).


Ang draft ng BBL ay nakatakdang isumite ng Malakanyang sa Kongreso sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo 28.


Subalit ngayon pa lamang ay iniisa-isa na ng MILF leaders ang panunuyo sa mga mambabatas para hindi maunsyami ang tsansa ng pagpapatibay sa BBL na lilikha ng Bangsamoro entity.


Inamin ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na nakipag-usap sa kanya ng personal si MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar para kunin ang suporta sa agarang pagpapatibay ng BBL.


Tiniyak sa kanya ni Jaafar na hindi lamang ang Bangsamoro people ang makikinabang sa BBL kundi ang buong bansa dahil magbibigay daan ito ng panibagong oportunidad sa kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.


Nagbigay naman si Nograles ng kanyang commitment sa MILF na hindi lamang niya susuportahan ang BBL kundi siya mismo ang magtutulak nito sa mga kapwa kongresista.


Sinabi pa ni Nograles na ang BBL ay magiging test case para sa isang federal system ng gobyerno at dito mapapatunayan na pwede itong maging kapaki-pakinabang para sa bansa.


The post MILF officials nagla-lobby na para sa BBL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MILF officials nagla-lobby na para sa BBL


No comments:

Post a Comment