AMINADO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi lamang ang paglilinis ng estero o daluyan ng tubig ang solusyon upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila partikular na ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos, dapat ay mapanatiling malinis at hindi mabarahan ng anumang bagay partikular na ang mga basurang plastik ang mga daluyan ng tubig upang hindi na bumaha sa oras na bumagsak ang malakas na ulan dahil hindi uubra ang paglilinis lamang ng mga estero o daluyan ng tubig.
Pinaalalahanan naman ng opisyal ang publiko na maging mapagmatyag lalo na ngayong panahon ng tag-ulan gayundin ay maging responsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura.
Aniya, ang pagtutulungan pa rin ng komunidad ang higit na mahalaga upang maibsan ang malawakang pagbaha.
Nitong nagdaang linggo ay muling nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Metro Manila matapos na bumuhos ang malakas na ulan.
The post MMDA problemado pa rin sa mga pagbaha appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment