Monday, June 30, 2014

Kaalyadong solon, idinepensa si PNoy

DINEPENSAHAN ng ilang kaalyadong kongresista si Pangulong Aquino kaugnay sa isyu na wala pa itong nagagawa sa bansa sa loob ng apat na taon nitong panunungkulan.


Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, Liberal Party (LP) spokesman na sa kasalukuyan ay maituturing na pinakamalaking achievement ng pangulo ay ang patuloy nitong kampanya laban sa korapsyon.


Hindi aniya kaila sa publiko na patuloy na nagpapalabas ng pondo si Pangulong Aquino para sa developmental at socio-economic programs at pananatili ng tiwala ng international at domestic investor sa ekonomiya ng bansa.


Nagagawa rin aniya ng pangulo na baguhin ang pag-iisip ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno para sa tamang paggamit ng pondo ng bayan.


Binigyang-diin ni Evardone na pinakamahalagang nagawa ni Pangulong Aquino sa loob ng apat na taon nitong panunungkulan ay ang pagpapakulong sa mga prominenteng indibidwal dahil sa mga kasong katiwalian.


“And more significantly is the detention of prominent individuals on account of corruption charges,” ayon pa sa kongresista.


Nagpapakita lamang umano ito na matatag ang Pangulo sa isyu pagdating sa paglaban sa korapsyon.


The post Kaalyadong solon, idinepensa si PNoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaalyadong solon, idinepensa si PNoy


No comments:

Post a Comment