Monday, June 30, 2014

Lalaking pumatay sa snatcher, pananagutin

HINAHANTING na ngayon ng pulisya para panagutin sa tinakasang krimen ang misteryosong lalaki na sumaklolo sa isang ginang na sinalakay ng snatcher sa Quezon City nitong nakaraang Biyernes.


Sinabi ng biktimang si Shirley Mirapes, 30, taga-Caloocan City na nakapabilis ng mga pangyayari kaya hindi na niya namukhaan pa ang itsura ng suspek na bumaril sa lalaking nang-snatch sa kanyang bag.


“Maghintay ka lang dito at may darating na mga pulis,” sambit ng suspek na tumakas sakay ng isang walang plakang motosiklo sa natutulalang si Mirapes.


Ayon kay Mirapes, sumakay siya nitong Biyernes ng alas-7:15 p.m., sa unahan ng dyip na biyaheng Quirino Highway sa may Barangay Talipapa.


Sumunod aniya namang sumakay ang isang lalaking na kinalaunan ay nakilalang si Manuelito Hitungo, 28 at sumiksik sa kanyang tabi.


Nang makatiyempo, hinablot ni Hitungo ang kanyang bag pero hindi niya binitiwan hanggang dumating ang kanyang tagasaklolo at dinamba ang suspek.


Pero habang nagbubuno, may tila inaabot na bagay ang suspek sa kanyang baywang at sa pag-aakalang sandata ay binaril ng misteryosong lalaki si Hitungo sa dibdib na agad nitong ikinamatay.


Nang siyasatin naman ang bangkay ni Hitungo, nabatid na hindi ito armado ng sandata.


“Hindi porke’t, tumulong ang misteryosong lalaki sa kapwa ay wala na siyang dapat panagutan sa batas,” pahayag ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).


The post Lalaking pumatay sa snatcher, pananagutin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaking pumatay sa snatcher, pananagutin


No comments:

Post a Comment