Saturday, June 28, 2014

2 sundalo utas sa NPA

TUMIMBUWANG sa biglang pag-atake ang dalawang miyembro ng Philippine Army (PA) nang tambangan ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lungsod ng Ligao sa Albay nitong Sabado ng hapon, Hunyo 29.


Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina PFC Jaynard Guinoo at PFC Louie Jardio, kapwa miyembro ng 91st Division Reconaisance Coy ng Philippine Army na naka-assigned sa Barangay Oma-oma sa nasabing lungsod.


Tinutugis na ng awtoridad ang may 20 bilang ng NPA rebels para panagutin sa krimen.


Sa ulat, bandang 4:10 nitong Sabado ng hapon nang maganap ang insidente sa isang kalsada sa may Barangay Busac.


Bago ito, papunta ang mga biktima sa Brgy. Oma-oma nang paputukan ng mga suspek na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.


The post 2 sundalo utas sa NPA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 sundalo utas sa NPA


No comments:

Post a Comment