TIYAK na malungkot ang fans ni Daniel Padilla sa hindi pagkawala nang pelikula ng favorite actor nila sa 2014 Metro Manila Filmfest sa December. Natanggal kasi si Daniel sa movie na dapat ay pagsasamahan nila ni Vice Ganda at official entry for the filmfest ng Star Cinema and Viva Films.
Mismong si Vice rin ang nagsabi sa amin noon na makakasama niya sa bagong movie na ipapasok for 2014 Metro Manila Film Festival sina Daniel at Bimby. At sabi pa niya sa amin, superheroes ang role nila ni Daniel.
Until ma-announce na isa sa official entries sa December filmfest ang “Praybeyt Benjamin 2″ na si Vice pa rin ang bida at with Bimby. But this time, si Richard Yap na ang kasama ng Phenomenal Box-Office Star sa Praybeyt Benjamin 2 as directed by Wenn Deramas.
Ayon sa aming source, “Talaga po nu’ng una Vice-Daniel ang naisip na artista and superhero nga po ang concept. Pero concept pa lang po talaga ‘yun, wala pang definite. Hanggang sa naisip ng Star na it’s time na magkaroon na ng sequel ang pelikula nila like “Praybeyt” and “Feng Shui.” Ang dami po kasi talagang nagtatanong at nagre-request ng part 2.”
At bago na-submit ang papers para sa mga pelikulang isasali ng Star Cinema sa MMFF committee, wala raw maisip na bagay na role para kay Daniel for the movie. Hindi naman pwedeng si Daniel ang ipartner kay Vice. Kaya napagdesisyonan daw na si Richard ang maging “love interest” ni Vice sa movie. Burado na raw totally ang character ni Derek Ramsay na unang ipinartner kay Vice sa unang Praybeyt Benjamin.
-ooOoo-
Dismayado si Direk Wenn Deramas sa pagkakalaglag ng Superstar na si Nora Aunor sa listahan ng mga napili bilang National Artists. “Ako talaga for national artist, deserved ni Nora Aunor ‘yan. Deserved na deserved niya ang pagiging National Artist. You cannot marry artistry with morality. Dahil ang mga artist may mga topak,” diin ni Direk Wenn.
Kung gusto raw ng purong moralidad, dapat madre, pari o pastor ang i-nominate nila.
“Kasi minsan sa kanilang topak humuhugot ng kabaliwan ang mga artist. So again, you cannot marry morality to artistry. Isa siyang ano, para siyang dalawang ano, angel and devil, ‘di ba?”
Wala raw katapat ang ginawa ni Nora para sa bayan at sa kapwa Pilipino.
“Napagkaka-isa-isa niya noon ‘yan na parang isang bayani na papanoorin ang pelikula, tulungan ang industrya ng pelikula, iangat ang kalidad ng pag-arte. Ksi si Nora ang nag-revolutionized ng lahat. Para siyang si Andres Bonifacio. Mula sa hitsura hanggang sa style ng acting, binago niya lahat yan.”
Nakatrabaho mismo ni Direk Wenn si Nora kaya may firsthand experience siya sa husay ng aktres.
“Sa teleserye ko na ‘Bituin,’ sa MMK (Maalaala Mo Kaya), na-experience ko ang galing na ‘yan. At ‘yung working relationship naming ni Nora na kapag sinabi ko na ang call time ay 7:30, nasa set siya ng 6:30 made-up. May ganoon kaming respetuhan ni La Aunor. But of course, I cannot say the same sa iba niyang nakatrabaho na mga nakaranas ng kanyang kaluka-lukahan. But she’s Nora Aunor ‘di ba?”
Dagdag pa ni Direk Wenn, “Ibigay natin sa kanya ‘yun. She’s a Superstar. ‘Yung mga hindi nga superstar, starlet at nagdidiva-divahan d’yan umaarte ng mga ganyan na wala ‘yung klase ng talino ni Nora Aunor gumaganyan and yet, ina-allow natin, si Nora Aunor pa ba?”
Kaya ang panawagan ni Direk Wenn, ibigay na kay Nora ang National Artist award.
The post You cannot marry artistry with morality! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment