DIY AN sa industriya ng transportasyon nagkakaroon ng napakaraming pang-aabuso o maling paggamit ng kapangyarihan ng pamahalaan.
Kitang-kita ito sa pagsupalpal ng Court of Appeals sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ukol sa pagsuspinde nito ng 28 certificate of public convenience o prangkisa ng G.V. Florida Transport, Inc. nang wala ni anomang batayang batas at pangyayari.
Sinupalpal din ito sa pagkumpiska ng lahat ng plaka ng 186 na Florida bus at sinabi ng CA na ang Land Transportation Office lang ang may kapangyarihan dito.
Matatandaan na may nahulog sa bangin na “Florida” bus sa Mountain Province na ikinamatay ng 15 katao, kabilang na si Arvin “Tado” Jimenez at dito mabilis na isinagawa ng LTFRB ang suspensyon.
King-ina, sinabi ng CA na mayroon ngang public service law na para sa industriya ng transportasyon at mga patakaran mismo ang LTFRB pero walang paglabag sa mga ito ang Florida.
At napatunayan ito mismo ng LTFRB sa mga inspeksyon na isinagawa nito sa lahat ng unit ng Florida at pag-testing na rin sa kalusugan at kakayahan ng mga tauhan ng kompanyang ito sa pagpapatakbo ng mga sasakyan.
Pero sinabi ng CA na tama ang LTFRB sa pagkansela ng CPC sa 10 unit na kinabibilangan ng killer bus ngunit hindi sa ngalan ng Florida kundi ni Norberto M. Que, Sr. Nangangahulugan, parekoy, na si Que ang may pananagutan sa pangyayari at hindi ang Florida.
Nakita ng CA na totoong binili ng Florida ang CPC at mga bus ni Que pero dahil hindi narehistro sa LTRFB at walang pag-apruba ang LTFRB sa bilihan, hindi maituturing na pag-aari ng Florida ang mga prangkisa at bus ni Que.
Sa ibang salita, parekoy, idinamay ng LTFRB ang lahat ng hindi dapat na madamay.
Dito na rin natin naalaala ang gutom at paghihirap ng libong driver, konduktor, mekaniko, janitor at iba pang empleyado ng Florida.
Paano ngayon ang nahintong pag-aaral ng mga anak ng mga ito, ang mga namatay sa sakit dahil walang pampagamot, ang mga napalayas sa mga hinuhulugan at inuupahang bahay at ang katakot-takot na utang ng mga pamilya ng mga ito upang matakasan nila ang gutom at paghihirap?
King-ina, ano ang gagawin ng pamahalaan sa napakalaking pagkakamali na ganito?
Paano kaya kung suspendihin din si LTFRB chair Winston Ginez at lahat ng mga kasamahan niyang gumawa ng desisyon laban sa Florida…without pay… at, kung maaari, ay ma-disbar ang mga abogadong ito sa “gross ignorance of the law” at pang-aabuso sa kapangyarihan?
The post GINEZ ET. AL, SUSPENDIHIN O MAG-RESIGN NA LANG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment