NAKATAKDANG magmahal ng hanggang 8% ang presyo ng mga produktong gatas sa merkado simula ngayong Martes.
Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Undersec. Vic Dimagiba na magtataas ng P0.40 hanggang P4.30 ang kada lata o pack ng gatas kabilang na ang mga kilalang brand.
Bunsod ito umano ng paghingi ng manufacturer sa DTI ng 9% hanggang 12% umento sa presyo nito at sa pagtaas ng presyo ng higher skimmed at whole milk.
Kaugnay nito, sa kabila ng pagtataas ng presyo ng gatas, hindi naman gagalaw ang presyo ng ilang sangkap ng tinapay tulad ng itlog at asukal.
Ayon sa Kalihim, hindi rin kasama sa nagmahal ang presyo ng harina.
The post Presyo ng gatas, magtataas bukas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment