INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) ang fiberglass bancas para sa mga mangingisdang labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Ito ay tinatawag na “Bangkang Pinoy” na ayon sa Agriculture Department, ito ay unsinkable, tree-friendly at durable fishing boats.
Nabatid mula sa DA na may dalawang bersyon ang “Bangkang Pinoy”.
Una, ang 20-footer version na nagkakahalaga ng P42,000 at ang 35-footer version na umaabot naman sa P65,000.
Malaki ang maitutulong ng Bangka para sa mga mangingisda na ang tanging alam na hanapbuhay ay pangingisda sa karagatan.
The post ‘Bangkang Pinoy’ ng mga mangingisda sa Yolanda areas, inilunsad na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment