TATLONG panalo na lang ang kinakailangan ng San Mig Super Coffee Mixers upang masungkit ang grand slam championship sa PBA 2013-14 season.
Ito’y matapos pauwiin ng Mixers ang Talk N’ Text Tropang Texters sa kanilang best-of-five series na umabot pa sa Game 5, 3-2.
Makakalaban ng Mixers ang Rain or Shine E-Painters sa best-of-five finals series na magsisimula mamayang alas-8:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Matatandaang umabot din sa Game 5 ang laban ng E-Painters kontra Alaska Aces ngunit nanaig pa rin ang koponan ni coach Yeng Guiao.
Dahil dito, sinabi ni Mixers reigning best import Marqus Blakely na sigurado mas mahirap ang kakaharapin ng kanilang koponan.
Sabi pa ni Blakely, parehong mahigpit na katunggali ang Aces at E-Painter kaya’t dapat aniyang maging seryoso sila anomang oras hanggang sa tumunog ang final buzzer.
“You could talk about the history, but either way it will be a tough match-up,” wika ni Blakely.
Dagdag pa niya, ang Alaska ang isa sa mga determinadong koponan sa liga at ang huling nakasungkit ng Grand Slam noong 1996 sa pamumuno ni coach Tim Cone na ngayo’y siya nang head coach ng Mixers.
Isang pisikalang laban ang kakaharapin nila umano sa kamay ng ROS na tumalo sa kanila sa parehong komperensya noong 2012 (Mixers na dating B-Meg Llamados).
“I heard Alaska was the last team to win a Grand Slam. They will have a lot of energy to try to beat us. Rain or Shine, same thing,” saad ni Mr. Everything.
Sinabi pa ni Blakely na hindi sila magiging kampante kahit pa nanalo sila ng tatlong sunod sa taong ito.
“I guess that is something that is on the back of our mind. From the time the conference started, everybody talked about Grand Slam, Grand Slam. There were a lot of preparations that went to it that got us to this point,” aniya.
“Now, it’s 50-50. Best team wins. Five-game series, it’s important to come out with the first win.”
Isang magandang laban ang ipinakita ni Blakely at ni Texter import Paul Harris sa semis kung saan umiskor si Blakely ng 21 at 16 boards habang hindi kinayang buhatin ni Harris ang koponan sa kinanang 40 puntos.
“I expected a lot of high-energy, physical, and passion for the game because we knew what is at stake,” ani Blakely sa katunggaling si Harris. “Just like any competitive sport, once you come to the court, it’s your team versus my team.”
The post Blakely, mas mahihirapan sa finals appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment