Sunday, June 29, 2014

120 nalason sa pack lunch sa Cotabato

SUMIRIT na sa 120 katao ang nalason sa kinaing pack lunch matapos ang isinagawang meeting sa Bgy. Tablu sa Tampakan, South Cotabato.


Ayon kay Jimmy Baret, tribal leader ng B’laan community sa Sitio Kolondatal, umabot na sa mahigit 120 ang ginagamot ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital na karamihan ay mga bata at matatanda.


Ayon naman kay Dr. Conrado BraƱa, chief of hospital ng South Cotabato Provincial Hospital, ang mga dinalang pasyente ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, mistulang nalasing at nakaramdam nang pagsusuka.


Una na ring inihayag ng accounting clerk ng B’laan Foundation ng Barangay Tablu na si Cecile Mancho, nagpa-cater sila ng 200 pack lunch para sa isinagawang general assembly meeting na may kinalaman sa Banlas project.


Ang mga dumalo ay tribal members mula sa Sitio Tucayman, Manisi, Batu, Crossing, Lagdik, Magga, Kolon Datal at Sitio Center ng Barangay Tablu.


Ngunit makaraan ang limang oras ay doon na naranasan ng mga pasyente ang sintomas ng food poisoning.


Napag-alaman na naglalaman ng pritong manok, itlog at kanin ang pack lunch na ipinamigay sa mga biktima.


Inaalam na kung alin sa mga pagkain ang naging sanhi ng pagkalason.


The post 120 nalason sa pack lunch sa Cotabato appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



120 nalason sa pack lunch sa Cotabato


No comments:

Post a Comment