Saturday, June 28, 2014

Ama tepok sa anak na nag-amok

PATAY ang isang ama ng pagsasaksakin habang natutulog ng adik na anak nito sa bahay sa Sitio Bacay, Brgy. Minglanilla, Cebu City.


Ayon kay PO2 Juvi Egdamin ng Minglanilla Police Station, sinaksak ni Reyden Labestri, 28, ang ama nito na kinilalang si Satornino Labestri, 59, sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Dinala pa sa pagamutan ang kanyang ama ngunit indeklara ito ng mga doktor na dead-on-arrival.


Hindi pa nakontento si Reyden, nagwala pa ito sa labas ng bahay at naghamon ng away sa mga kapitbahay.


Sa pagresponde naman ng Minglanilla Police Station sa insidente, nabatid na lumaban pa ang suspek at inatake nito si PO2 George Campomanes.


Dahil dito, binaril na lamang ni PO1 Ronillo Salas ang suspek sa dalawang binti nito upang tumigil sa pagwawala.


Matagumpay namang napakalma at naaresto ng pulisya ang suspek.


Sa ngayon, nasa pagamutan na ang suspek at patuloy na nagpapagaling sa tinamong sugat sa dalawang binti.


The post Ama tepok sa anak na nag-amok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ama tepok sa anak na nag-amok


No comments:

Post a Comment