Sunday, June 29, 2014

UNTOUCHABLE KTV BAR, ‘DI MAPASARA, MAGKANO

johnny_magalona1036 WALA na ba talaga tayong pag-asa sa mga otoridad?


Sa halip na sila ang susupil sa laganap na ‘prostitution den’ na ino-operate ng mga dayuhan sa ‘red cities’ ay bakit sila pa ang mga nagsisilbing ‘patong’ dito?


Ang isa sa mga halimbawa rito ay ang ‘AMOR KTV’ sa Roxas Blvd., Pasay City.


Tila inutil na ang ilang opisyal at miyembro ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigation (NBI), International Justice Mission (IJM), WACO ng CIDG Crame at ang mga tiwaling pulis ng Southern Police District.


Dahil sa patong at malaki ang nakokolektang ‘tongpats’ ng mga ito ay matindi namang proteksyon ang kanilang ibinibigay sa ‘Amor KTV’ at sa iba pang mga KTV bar.


Isang Mr. Poo ang may-ari ng ‘Amor KTV’ na naghahatag ng P500,000 na lingguhang intelihensiya sa mga mga opisyal ng AHTRAD, IJM, WACO at SPD para protektahan at hindi magalaw ang ‘prostitution activity’ nila, kabilang ang pagbebenta ng mga menor-de-edad.


Sa susunod ay iisa-isahin natin kung sino-sino ang mga nagsisilbing tong-collector ng mga ahensyang naka-tongpats sa ‘AMOR KTV’ at sa iba pang mga prostitution den.


PAIHI SA CARMONA, ‘DI MATINAG NG PULIS


PATULOY ang operasyon ng gasoline pilferage o mas kilala sa tawag na ‘paihi’ ni Amang at Aldo sa mga warehouse sa Carmona, Cavite.


Bingi at bulag pa rin si Carmona chief of police Maj. Mark Joseph Laygo sa mga nangyayari sa kanyang nasasakupan.


Magkano kaya ang dahilan, este, ano kaya ang dahilan? Tangna naman.


MAYORA, BAKIT HINDI MAPATIGIL


Sa San Pedro, Laguna naman ay namamayagpag pa rin ang bookies ng STL ni Tose.


Hindi pa rin pinakikilos ng butihing mayora na si Mayor Lourdes Cataquiz ang kapulisan.


Bakit kaya?


o0o

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com


The post UNTOUCHABLE KTV BAR, ‘DI MAPASARA, MAGKANO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UNTOUCHABLE KTV BAR, ‘DI MAPASARA, MAGKANO


No comments:

Post a Comment