Monday, June 30, 2014

CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN

burdado-jun-briones2 NANAWAGAN ang pamunuan ng Senado sa mamamayan na tulungan daw silang magbantay sa niluluto nilang pambansang badyet para sa taong 2015.


Sabi ni Senate President Franklin Drilon, ayaw nilang may makasingit na Priority Development Assistance Fund o katulad nitong mga pondo na idineklara na ng Supreme Court na iligal.


Kung tutuusin, tama si Drilon.


Pero, king-ina, ibig bang sabihin nito na hindi nila kayang bantayan ang Malakanyang at ang kanilang mga sarili sa pagsisingit ng anomang uri ng PDAF para sa pambansang badyet?


Isa pa, halos sila lahat na mambabatas ay nagkakaisa sa pagsasabing ang bawal lang ay pakikialam nilang mga mambabatas sa pagsasapatupad ng mga proyektong kanilang ipinanunukala na may mga pondong galing sa pambansang badyet.


May panawagan nga ang Palasyo sa mga mambabatas na maghain na ang mga ito ng mga proyekto na isasama sa binubuo nitong panukalang badyet para sa 2015.


Ibig-sabihin, pupuwedeng magturo ng proyekto ang mga mambabatas tulad ng dati, kasabay ng pag-iisip ng Malakanyang ng mga proyekto at lahat ng ito ay malalagyan ng pondo.


Ang punto ngayon ay makapipitsa o kikita pa kaya ang mga mambabatas sa pondo ng mga proyekto?


Dati kasi, pupuwede silang mangomisyon ng 20-30% sa pondo at 100% sa kanilang mga ghost project.


Mayroon pa rin bang ganitong pamimitsa sa salaping bayan?


Sa kalakaran ngayon na ang bawal lang ay ang pakikialam sa implementasyon ng mga proyekto o programa na may pondo, sino ang makapagsasabing hindi magkakapera ang mga senador, kongresman at taga-Palasyo na taga-apruba at taga-labas ng pondo?


Alalahaning tahimik ang korapsyon at pandarambong ngayon at kung may lumalabas man, tanging ang mga nasa oposisyon ang tinitira.


Sabi ng SC, dapat ipagsasauli ng mga nakatanggap ng PDAF ang lahat ng kanilang natanggap na PDAF.


Meron bang hijo de putang mambabatas na gumawa nito mula kay PNoy na nagkaroon din ng PDAF noong kongresman at senador pa siya hanggang sa lahat ng mga mambatas bago inutas ng Hukuman ang PDAF?


The post CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN


No comments:

Post a Comment