NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang menor-de-edad sa pagdadala ng shabu na tinatayang umabot sa P10,000 na nagsilbing courier ng iligal na droga.
Ayon kay Police Senior Inspector Leonardo Tarongoy, deputy chief ng Sta. Ana police station, nahulihan umano ng shabu ang 12-anyos na binata sa pamamagitan ng mga pulis na nagpapatrolya sa nasabing lugar.
Hindi naman inamin ng suspek na itinago sa pangalang Jay-ar na sa kanya ang droga at pagmamay-ari umano ito ng kanyang kaibigan na nagngangalang Jun Mar.
Sinabi niya na dahil sa takot mahuli sa curfew sa mga minors, nakipagpalit ito ng sombrero, ngunit hindi niya alam na may nakatago pala dito na shabu.
Si Jay-ar ay pang-apat na sa mga menor-de-edad na nahuling nagsisilbing drug courier sa Davao City.
The post Binatilyo timbog sa P10,000 halaga ng shabu appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment