NANATILI pa sa pagamutan ang 250 katao na biktima ng diarrhea outbreak na ikinamatay ng dalawa sa isang barangay sa Lake Sebu, South Cotabato.
Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ang mga biktima na nagmula sa Sitio ng Kubang, Lubo, Tinugas, Proper, Blit at Tasufaw sa barangay Ned ay isinugod sa health center at district hospital sa naturang bayan.
Ayon sa mga awtoridad, kontaminado ang inuming tubig ng mga residente dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa lalawigan.
The post Diarrhea outbreak sa S. Cotabato, 2 patay, 250 nasa ospital appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment