Monday, June 30, 2014

Truck driver, tigbak sa karibal

DAHIL sa selos, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 53-anyos na truck driver ng karibal nito nang makitang kahawak-kamay ang dati nitong ka-live-in sa Port Area, Maynila kagabi.


Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Cresencio Milagrosa Jr., hiwalay sa asawa, ng Block 17, Zone 14, Baseco cmpd., Port Area, Manila sanhi ng saksak sa kaliwang dibdib.


Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Jerson Lastina, tinatayang may edad 55-60, may taas na 5’7 – 5’9 at nakatira sa Cavite City.


Sa report ni SPO2 Glensor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang namataan ng suspek na magkahawak-kamay ang dati nitong kinakasama na si Lyn Tarrago at ang biktima habang naglalakad galing sa isang grocery sa Port Area, Maynila.


Nang malapit na ang dalawa sa isang madilim na lugar kung saan nakaabang ang lasing na suspek ay walang sabi-sabi nitong pinagsasaksak ang biktima.


Nabatid na nakipaghiwalay umano si Tarrago sa suspek at sumama sa biktima na hindi naman umano matanggap ng suspek.


Nakuha naman sa crime scene ang isang 10-pulgadang kutsilyo na ginamit sa pagpatay.


The post Truck driver, tigbak sa karibal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Truck driver, tigbak sa karibal


No comments:

Post a Comment