Monday, June 30, 2014

Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac

INABOT ng 2 am nang mai-declare ang winner ng 2014 Mr. Guwapito ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, na brainchild ni Kagawad Carlito Cernal ng Addition Hills, at supported ni Barangay Captain Rodolfo Posadas.


Ang taunang talent search ay supportado rin ng pamunuan ng Mandaluyong headed by Mayor Benhur Abalos at ng kanyang mga konsehal. Isa sa activities ang Mr. Guwapito search ng Barangay Additional Hills sa kanilang taunang fiesta. One week na celebration ito ng pinakamalaking barangay sa Mandaluyong. Ang final night ay ang pagdating ng GMA Artist Star na si Steven Silva, para pasayahin ang buong barangay na ginawa noong Sunday night. Kasamang nag-perform ni Steven ang StarStruck Batch 1 runner-up na si Rainier Castillo.


Ang nai-declare na winner ng Mr Guwapito 2014 ay mula pa sa Paniqui, Tarlac, na si Jayson Cruz, 22, na 4th year college sa kursong Computer Science ng STI. Nagsimula lang sumali ng male personality contest noong February, 2014 dahil sa susog ng kanyang mga magulang dahil may magandang katawan at guwapo rin. Bukod pa rito, siya’y may boses para kumanta at magaling magdala ng barong tagalog.


Nang nakausap namin ang winner, nasabi niyang nag-aral lang siyang mag-modelling sa pamamagitan ng YouTube. Nagbabasa rin siya sa internet para mabasa ang do’s and dont’s sa mga male pageant.


Di akalain ni Jayson na siya’y mag-uuwi ng title at cash na P5,000 at iba pang give aways mula sa mga sponsor. Kasama niyang runner-up sina Nico Cervantes at Greg Padilla.


RELEASE NG BAGONG ALBUM NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GMA RECORDS


Handa na ngang suungin ng Kapuso singer/actress na si Julie Anne San Jose ang mas malalim na mundo ng musika sa pamamagitan ng release ng kanyang pangalawang album na ‘Deeper’ sa ilalim ng GMA Records.


Tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa kanyang kakaibang karisma at galing sa pag-awit, patuloy na tumitingkad si Julie Anne San Jose sa Philippine music industry sa paglipas ng mga taon. Nagmarka ang kanyang singing career nang tumanggap kamakailan ng 9x Platinum Record award ang kanyang self-titled debut album dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units.


Kung ipinakilala siya bilang isang promising artist ng bright pop at R&B sa kanyang debut album noong 2012, ipakikita naman sa ‘Deeper’ ang kanyang paglago bilang isang recording artist at simpleng babae. Ngayong nakatakda na nga niyang iwanan ang kanyang teenage years, nagsisimula na siyang gumawa ng mga hakbang upang siya ay maging enduring figure sa local music industry.


Ang kanyang pinakabagong album ay naglalaman ng sampung all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito kanyang title track na ‘Deeper’ at ang kanyang lead single na “Right Where You Belong,” ang lovetheme ng pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network na The Master’s Sun. Samantala, ang gospel track naman nitong “Christ in Us, Our Hope of Glory” ay gagamiting theme song ng International Eucharistic Congress sa 2016.


Maliban sa mga awiting ito, maririnig din ang mga nilalaman ng puso ni Julie Anne sa kanyang mga awiting “Blinded,” “If Love’s A Crime,” “Diamond in my Eyes,” “Never Had You,” “Baby U Are,” “Kung Maibabalik Ko Lang,” at “Tulad Mo.”


The post Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac


No comments:

Post a Comment