Sunday, June 29, 2014

Ramadan, umpisa na

UMPISA na ang isang buwang pag-aayuno o Ramadan ng mga kapatid na Muslim ngayong araw.


Ito ang pahayag ng Darul Ifta, grupo ng mga Muslim leader sa Zamboanga.


Tuwing Ramadan, nag-aayuno ang mga Muslim mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw. Iniiwasan din nila ang pagkain at pag-inom matapos ang Suhur o ang pre-dawn meal.


Kasabay naman ng pagsisimula ng Ramadan ang pagbubukas sa publiko ng pink mosque sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.


Ginto ang mga poste at sahig nito habang pink ang mga bintana at may chandelier din.


Sa naturang mosque, nakabukod ang dasalan ng kababaihan sa ikalawang palapag.


The post Ramadan, umpisa na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ramadan, umpisa na


No comments:

Post a Comment