Sunday, June 29, 2014

Kuh Ledesma natakot hindi na pakinggan ang kanyang mga awitin

WALA raw problema kay Kuh Ledesma ang pagtanggap niya ng kontrabida role sa pagiging Christian niya, as long na hindi lalabas na sobrang sama raw ang role.


“Request ko nga sa GMA 7, huwag ako bigyan ng sobrang kontrabida role. Baka hindi na pakingan ang mga awitin ko kapag napanood nila na sobrang sama ko sa isang teleserye,” nakangiting pahayag ni Ms. Kuh nang makausap namin sa grand presscon ng My Destiny na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Lorna Tolentino, Tom Rodriquez atbp na idinirek ni Bb. Joyce Bernal.


Wala rin problema kay Kuh kung other woman ang role niya at mataray na wife. Basta huwag lang lumabas na sobrang sama. Gusto niyang lumabas na mahirap. ‘Yung talagang yagit ang role. Baka raw kasi nagdadalawang isip ang production staff na ayaw niya ng ganong role. “Ay, naku! Gusto ko talagang gumanap ng isang yagit talaga. Hindi naman ako mayaman. Pinagdaanan ko rin ang maging isang mahirap. Nagpursige lang ako sa buhay kaya nakamtam ko ang ginhawa,” say ni Kuh.


Asked about her lovelife, posible ba siyang magmahal ng younger man?


“Mas bata sa akin, like twenty years old guy. Naku! Tila ayoko naman magkaroon ng partner na sobrang bata. Pero kung mas matalino pa siya sa akin, why not?” say pa ni Kuh.


=0=


Isang Noranian si direk Joyce Bernal at isa rin siya sa mga nadismaya na hindi hinirang na National Artist si Ms. Nora Aunor.


Bilang isang filmmaker, hanga si Direk Joyce sa body of work ni Ate Guy at yun daw sana ang naging basehan at hindi yung kung ano pa na wala naman daw kinalaman sa pagiging artist nito sa Philippine Cinema.


“Hindi dahil sa Noranian ako, pero I feel that Ate Guy deserves to be a National Artist. Ano pa ba ang hinahanap nila sa pagiging artist ni Ms Nora Aunor?


“Hindi ko alam kung ano ang naging technical at hindi ibinigay sa kanya ang karangalan na ito. Kasi para sa akin, arts ang pinag-uusapan. I-set aside natin ang moral issues.


“Sa totoo lang maraming mga artista riyan na hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa na naging alcoholic, gumamit ng drugs na hindi na nakabangon. But still, ‘yung body of work nila nandiyan pa rin at ‘yun ang hahangaan mo.


“Huwag naman nilang hintayin na mamatay pa si Ate Guy bago nila ibigay iyong National Artist Award. Ibigay natin ‘yan dahil dapat lang.”


Hindi naman ikinaila ni Direk Joyce na gusto niyang makatrabaho si Ate Guy sa TV or pelikula.


=0=


Kinailangang maging mahigpit ang production staff nang Bubble Gang sa buong cast ng gag show na napanonood every Friday sa GMA 7. At para matupad ito ay nagdesisyon ang show na magpapataw sila ng penalty P5 thousand sa bawat male-late na artista.


Kapag ang call time ay 7:00 am, dapat ay mag-report na sila sa Studio 6 ng Kapuso Network. Ang male-late ay magmumulta. Tagumpay ang bagong regulasyon dahil lahat ng cast sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto, Sam Pinto, Jackie Rice, Gwen Zamora, Max Collin, atbp. ay dumarating on time.


Dati-rati raw ay gumigimik ang mga nagseseksihang cast ng gag show kapag Sunday night.


Ngayon ay Friday at Saturday na lang daw sila rumarampa kasama ng kani-kanilang barkada para hindi ma-late at magmulta ng P5 thousand.


Samantala, may mga bagong characters raw na gagampanan ang Bubble Gang stars. At sa segment ng Dating Doon nina Brod Pete, Direk Caesar Cosme at Brod Willie ay may bago rin dahil sa halip na mga Pinoy ang magtatanong ay dayuhan ito tulad ng Spanish, American, German, Italian, Chinese at Japanese.


The post Kuh Ledesma natakot hindi na pakinggan ang kanyang mga awitin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kuh Ledesma natakot hindi na pakinggan ang kanyang mga awitin


No comments:

Post a Comment