Monday, June 30, 2014

Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l

NATAKASAN ng isang Vietnamese national ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) habang binabantayan ito sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa kabila ng mahigpit na security checks ng ahensya sa paliparan.


Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang ahensya kung may naganap na anomalya sa pagitan ng nasabing dayuhan at ng ‘di pinangalanang mga immigration officers na posibleng maharap sa kasong administratibo sakaling mapatunayang nagpabaya sa tungkulin.


Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, iniutos ni Immigration chief Siegfred Mison ang paghahanap sa dayuhang si Phan Tan Loc matapos makawala sa mga nagbabantay dito noong nakalipas na Sabado ng umaga sa NAIA Terminal 3.


Napag-alaman na si Phan ay pinigilang pumasok sa bansa dahil bigo itong ibigay ang kanyang detalye kung saan sya mananatili sa bansa at nagsinungaling din na may kasintahan itong Pinay.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang makalusot sa mahigpit na security checks ng mga immigration officers ang nasabing dayuhan kung kaya’t nakatakas ito.


Pinagpapaliwanag naman ng ahensya ang ‘di pinangalanang mga tauhan kung papaano nakatakas ang nasabing dayuhan.


Sakali umanong mapatunayang may nalabag ang mga ito ay awtomatikong kakasuhan ng kasong administratibo.


“Exclusion orders under Section 29 (a)(5) may be reversed upon showing that subjects are capable of supporting their stay in the Philippines such as having a guarantor or any document to prove that he is a legitimate tourist. We are currently checking the background of Phan to determine the reason behind his refusal to go back to his home country,” paliwanag pa ni Tan.


Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na umano ang BI sa mga airline company at sa Vietnamese Embassy upang mahanap ang nasabing dayuhan.


The post Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l


No comments:

Post a Comment