LAGING apaw sa tuwa si Anne Curtis kasama ng kanyang mga leading men na sina Gerald Anderson at Sam Mily at mga co-star sa Dyesebel dahil maliban sa magagandang feedbacks na natatanggap nila sa kanilang teleserye, gabi-gabi pa itong wagi sa rating’s game ng Kantar Media National Ratings.
Kaya naman kahit na tatlong linggo na lang silang mapanonood sa ere at magwawakas na sila sa July 18, masaya si Anne na may kasamang lungkot dahil mami-miss niya syempre nang sobra ang lahat ng mga kasamang artista na tinuring ng second family ng maganda at sexy actress.
And for Anne, malaking achievement sa kanyang career ang magampanan ang isa sa pinakamagandang classic novel ni late Mars Ravelo na ilang dekada nang favorite ng mga Pinoy. Kaya roon sa mga nangiintriga at nagsasabing biglaan ang pagputol sa ere ng Dyesebel, magsitigil kayo no? Talagang hanggang doon na lang ang kuwento ng Dyesebel na kapag ipinagpatuloy pa ay lalaylay na.
Yes, naninindigan ang Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Endrinal sa kanilang policy na hindi na dapat masyadong pinahahaba ang teleserye nang hindi mag-suffer ang story. Saka ang mga show sa Dreamscape nagtatapos sa ere ng mataas ang ratings samantalang sa kabilang TV network, tinitigbak naman dahil sa poor ratings.
So, sa mga fans ng Dyesebel, meron pa kayong more than two weeks para mapanood ang isa sa favorite niyong serye sa Primetime Bida ng Kapamilya network na ang rating ay naglalaro sa 30% pataas. I’m telling the truth, and nothing but the truth gyud!
MAIKO TODA, DANCE DIVA NG HIPHOP SA JAPAN
Kung may Dancing Queen tayo ngayon sa Pinas sa katauhan ni Marian Rivera at Dance Diva Foreignay sa Eat Bulaga na si Dasuri Choi, aba! sa bansang Tokyo Japan naman ay may isang Pinay na kinikilala roon bilang Dance Diva ng Hiphop. Siya ay walang iba kundi si Maiko Toda, ang pretty daughter ng dating sumikat na dancer sa television noong 80′s na si Malou Toda, sister ni late Beth Sandoval.
Para mahasa at lalo pang matutunan ni Maiko ang iba’t ibang dance steps, pinag-aral siya ng 6 years sa New York Manhattan ng kanyang very supportive na archetic dad na si Mr. Manabu Toda.
Sa nasabing bansa unang nakilala at nauso ang hip hop na sinasayaw ng mga famous foreign artist.
At nagtagumpay naman si Maiko dahil talagang magagaling at kilala ang kanyang mga trainor.
At dahil expert na, kasama ng kanyang mga kaklase at kaibigang mga Pinoy, madalas sumali sina Maiko sa dance competition at parati rin silang nakapag-uuwi ng cash at trophy. Nang bumalik sa Japan at umuwi sa kanyang pamilya ang dalaga ay nag-decide ito na gawing sideline ang pagtuturo ng hiphop sa mga bata kung saan dinudumog talaga siya ng mga gustong matuto ng naturang sayaw. Kaya naman maliban sa kanyang regular allowance mula sa kanyang loving father ay may sarili ng pera si Maiko.
Syempre pa, very proud naman sa kanya ang kanyang Mommy Malou na kapag katabi niya sa picture ay parang sister lang niya. May balak pala ang japanese dancer na magpunta ng Pinas para i-pursue ang kanyang dream na maging ramp model at artista. Why not? Pretty naman siya, sexy at maganda ang height.
BAGONG NI-RECORD NA KANTA NI ALENG MALIIT RYZZA MAE TIYAK NA PATOK RIN
Hindi lang nationwide hit ang Cha-Cha Dabarkads nina Ryzza Mae Dizon, Wallly at Jose dahil naging favorite rin sa iba’t ibang bansa sa Asya ang nasabing danceable song na ilang years ring naging paboritong gamitin sa mga event partikular na sa mga christmas party. Ngayon ay may bagong recorded song si Aleng Maliit at kanya na itong ipinarinig kay Bossing Vic Sotto.
Nasorpresa si Bossing sa sobrang ganda ng kanta na posibleng maging dance craze agad once na inilunsad na nila ito sa Eat Bulaga. Panahon ngayon ni Ryzza Mae kaya’t lahat ng gagawin niya ay suportado ng kanyang fans. At hindi lang in-demand sa kanyang dalawang regular show si Aleng Maliit kung saan napapanood siya araw-araw sa Eat Bulaga at sa kanyang sariling show na The Ryzza Mae Show na parehong napanonood sa GMA 7.
Maging sa endorsement ay pinag-aagawan rin si Ryzza kung saan napanonood ang marami nitong TVC na cute na cute naman talaga ang dating. Well, mabait kasi masunurin at propesyonal sa trabaho ang alagang ito ni Ma’am Malou Choa-Fagar kaya’t tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya.
Makakasama pala ulit ni Bossing si Aleng Maliit sa kanilang filmfest entry sa Metro Manila Film Festival 2014 na My Big Bossing Adventures na produced ng OctoArts Films, MZET Films at APT Entertainment. Sina Joyce Bernal, Marlon Rivera at Tony Y Reyes ang mga director ng trilogy movie na ito.
The post Anne Curtis masaya na malungkot sa pagtatapos ng Dyesebel appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment