Sunday, June 29, 2014

Hindi kaya ang mga daring at seksing eksena

MASAYA si Sunshine Dizon na na-experience niyang gumawa ng indie film. Natutuwa raw siyang mapasama sa cast ng Kamkam (Greed) na iapapalabas na sa July 9. “Alam mo sabi nila, napakasuwerte ko raw kasi ‘yong typical na indie film daw talagang parang very cowboy,” aniya.


“Ito kasi, very pampered kami. Thank you to Heaven’ Best na siyang producer ng pelikula. Noong nagsu-shooting kami, meron kaming magandang tent. Meron kaming portalet (CR). Napakaganda ng aking experience. Hindi ko na-experience ‘yong roughness ng indie.


“Sa story nitong Kamkam, I play as one of the wives of Allen Dizon. I’m the second wife. The first wife is Ms. Jean Garcia. The third wife is Jackie Rice.”


Sexy at daring ang role nina Allen at Jackie. Pinag-uusapan nga ang maselang love scene ng dalawa.


“Actually!” sabay ngiti ni Sunshine. “Tapos meron ding intimate scene sina Ate Jean at Allen.


“Ako, thank God, wala!” natawang sabi pa ni Sunshine.


Kung nagkataon kayang meron?


“A, hindi ko alam. Baka hindi! Ha-ha-ha!”


Hindi siya papayagan ng husband niyang si John Timothy Tan?


“Hindi naman sa hindi ako papayagan. Hindi ko talaga ginagawa kasi.


“Alam na nila ‘yon. Actually that was one of the first things I asked before we accept it.


“Kasi nakanenerbiyos not being able to deliver. Especially if your director is Joel Lamangan.


“So, kinuwestyon na agad namin ‘yon kung may gano’n. Kasi kung meron, hindi ko na pahihirapan ‘yong sarili ko. At, Diyos ko, baka talakan pa ako ni Direk Joel kung magkataon! Kasi hindi ko talaga kaya for that matter. Kasi ever since, puro daya lang talaga.”


The post Hindi kaya ang mga daring at seksing eksena appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi kaya ang mga daring at seksing eksena


No comments:

Post a Comment