Saturday, June 28, 2014

Red Lions mabangis kontra Heavy Bombers

SUMINGASING agad ang defending champion San Beda College Red Lions sa pagbubukas ng 90th NCAA basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City kaninang hapon.


Nanlalamig pa ang Red Lions sa unang dalawang quarters subalit pagsapit ng second half ay sumingasing na ito upang sagpangin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 57-49.


Kumayod si Nigerian Ola Adeogun ng 20 puntos at 14 na rebounds upang pangunahan ang San Beda na umaasam ng fifth straight championship.


Sa third canto naglaro na parang halimaw si 6-foot-7 Adeogun matapos sumalpak ng 10 puntos para tulungan ang SBC na makalamang ng double-digit.


Bukod kay Adeogun, sinabi ni Fernandez na isa rin sa naging susi ng kanilang panalo ay ang kanilang depensa.


Pagkatapos ng tip off mainit na inumpisahan ng Red Lions ang kanilang kampanya matapos magtala ng 10 puntos na kalamangan, 14-4 subalit nagpasabog ang Heavy Bombers para itabla ang iskor sa 20.


The post Red Lions mabangis kontra Heavy Bombers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Red Lions mabangis kontra Heavy Bombers


No comments:

Post a Comment