HINDI pa rin daw nakasisigurong si Mar Roxas na ang mamanukin ni Pangulong Noynoy Aquino sa papalapit nang 2016 presidential election.
Ito ang katotohanang hindi mapapasubalian sa Malakanyang dahil pareho raw matimbang sa puso ni PNoy sina Roxas at VP Jojo Binay.
Isa pa raw sa biggest factors ng pagdedesisyon ni PNoy sa 2016 ay ang kakayahan nitong manalo sa election at hindi lang basta malapit niyang kaibigan at kapartido.
Alam ng madla na magmula noong martial law pa ay kaibigan at die-hard na sa mga Aquino itong si Binay kaya naman kapansin-pansin na hindi ito binabanatan ni PNoy, gayundin ang kanyang mga alipores.
Maging si Binay at kampon nito ay hindi man lamang kinanti si PNoy kaya’t anything ay possible kung baga sa darating na 2016.
Kilala ang mga Aquino sa ganitong estilo dahil kung babalikan natin ang kasaysayan ay malapit si dating Speaker Ramon Mitra kay Tita Cory pero sa halip na ang anak ng Palawan ang kanyang ipambato noong 1992 presidential election ay si Fidel Ramos ang kanyang iniendorso.
Maging ang mga kapanalig ni PNoy sa pagpapatakbo ng gobyerno sa kasalukuyan ay hati sa LP at grupong Noybi o Binay group kaya naman halos parehas lang ang pagtingin nito sa Palasyo.
Kilalang supporter ni Binay sina Press Sec. Herminio Coloma at Finance Sec. Cezar Purisima, na napabalitang magre-resign na sa gabinete ni PNoy upuang tutukan ang kampanya ni Binay at ang kanang kamay mismo ng Pangulo na si Executive Secretary Jojo Ochoa.
Sa madaling salita, matindi ang kamutan ngayon sa endorsement ni PNoy at iyan ang dapat nating abangan dahil alam naman ng lahat na iba ang nagagawa ng endorso ng isang nakaupong Pangulo dahil kanya ang buong makinarya ng gobyerno.
Kaabang-abang din ito dahil kung sakaling si Binay ang bibitbitin ni PNoy sa 2016 ay maiiba ang itatakbo ng pulitika sa bansa dahil posibleng ang LP na administrasyon ngayon ay biglang maging oposisyon o sumanib sa oposisyon.
Maging ang mga nangangarap na maging pangulo na sina Allan Cayetano, Antonio Trillanes, Manny Villar, Bongbong Marcos, Erap Estrada, Grace Poe at Chiz Escudero ay tiyak na mag-iiba ang katayuan dahil 360 degrees ang mababago sa pulitika ng bansa.
Tiyak na hindi ito ngayon magaganap pero tiyak na may magbabago dahil mas malapit ang mga Aquino kay Binay kaysa kay Roxas.
The post BINAY vs ROXAS KAY PNOY appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment