NANINIDIGAN ang mga rice retailer na hindi nila ibabagsak ang malaking presyo ng commercial rice sa bansa.
Iginiit ni GRECON Metro Manila North District Secretary General Chris Barrera, na mataas ang presyo ng palay na binili ng mga trader ngayon sa mga magbubukid.
Binigyang-diin ni Barrera na malulugi na rin sila dahil sa dami ng pinagkakagastusan tulad ng trucking fee.
Una rito, inanunsyo ng Malakanyang na tatagal pa ng dalawang buwan ang mataas na presyo ng bigas dahil nasa low-season na ang suplay nito.
The post Presyo ng bigas hindi ibababa — retailers appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment