Monday, June 30, 2014

CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT

ang inyong lingkod hilda ong CAMIL DIAZ ay isang chemical engineering at sa kasalukuyang ay na nasa ilalim ng U.S. Fulbright Student sa International Rice Research Institute (IRRI), na matatagpuan sa Los BaƱos, Laguna.


Nagtatrabaho si Camil Diaz sa Genetic Transformation Lab, sa pangunguna ni Dr. Inez Slamet-Loedin.


Siya ay bahagi ng pinagsamang pagpupunyagi upang maisaayos ang epekto ng climate change sa ating rice nutrition, at gayun na rin ang implikasyon ng ganitong epekto sa ating rice biofortification.


Ang layunin ni Camil Diaz sa kanyang ginagawang pananaliksik at proyekto ay upang tuntunin ang mataas na kaparaanan upang maipakita ang mataas na uring tuklas ukol sa iron rice. Ayon kay Camil Diaz, nagawa na nilang makakuha ng iron levels na mapupunuan ang halos 30% ng bahagdan ng kinukonsumo ng isang tao sa araw-araw niyang pangangailangan sa iron sa pamamagitan ng isang single service of rice.


Nais ni Camil Diaz maglilingkod bilang ACS Public Policy Fellow sa panahon ng kanyang PhD.


Ipagpatuloy nya ang pagtutuon ng pansin ng nauukol sa pagkain at sa may kinalaman sa food and energy security, habang ginagamit niya ang kanyang kaalaman sa rice engineering sa mabuting paraan at makatulong sa pagpapaunlad ng nitrogen-fixing o kaya ay sa c4 rice.


Ang mabunga at matagumpay na pag-uusap sa U.S. Embassy, Manila ay dinaluhan ni Heath Bailey (Economic Officer, Environment Science, Technology and Health), Bettina Malone (Public Affairs Officer), Yolanda B. De Guzman (Public Affairs Section) at Richmond L. Jimenez (Alumni Coordinator).


Kasama ng iyong lingkod sina Jennifer Foltz (Assistant Cultural Affairs Officer), Hazel Shine Santos, Rufus Thomas Adducul & Ryan Santiago (Kennedy-Lugar Youth Exchange and Study (Yes) Alumna.


Mula naman sa Pampanga Agricultural College ay sina Professor Geraldine Sanchez (Philippine Fulbright Alumna), Assistant Professor Maria Fe Bulao, Instructor Aris Miciat at ang kanilang mga estudyante na sina Harlene Tayag, Jonathan Jocson at Denver David.


The post CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT


No comments:

Post a Comment