Friday, June 27, 2014

Call center sa Bacoor, sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng mga kawani ng Intellectual Property Rights Division ng NBI ang call center na “Task Us” sa Bacoor, Cavite dahil sa reklamong gumagamit ng pekeng operating sytem ang kompanya.


Bukod sa pekeng operating system, inaakusahan din ang kompanya ng hindi pagbabayad ng tamang buwis at ang iligal na pagbebenta ng sex enhancement drugs.


Kinumpiska ng NBI ang daan-daang computer units na isasalang sa digital forensic examination, para sa karagdagang ebidensya.


Sinampahan ang kompanya ng kasong paglabag sa copyright infringement, sa ilalim ng Republic Act 8293.


The post Call center sa Bacoor, sinalakay ng NBI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Call center sa Bacoor, sinalakay ng NBI


No comments:

Post a Comment