Saturday, June 28, 2014

Senior citizens, umalma sa Pasay at DSWD

UMALMA na ang grupo ng mga senior citizen sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kabiguan ng ahensya na matugunan ang mga pangangailangan ng mga matatanda.


Ayon sa grupong Senior Citizen Federation, wala silang napakikinabangan mula sa sinasabing tulong alinsunod sa itinatakda ng Republic Act Number 9994 o Expanded Senior Citizen’s Act of 2010.


Pinasaringan ni dating Congressman Benny Abante ang DSWD dahil hindi pag-aksyon sa kahilingan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagtalima sa nabanggit na batas.


Hindi aniya sapat ang ipinagmamalaki ng DSWD na P1,500 kada buwan na financial assistance para sa mga mahihirap na mga lolo at lola.


Samantala, dumadaing na rin ang katandaan sa lungsod ng Pasay dahil hindi naibibigay sa tamang panahon ang kanilang financial assistance.


Malaki ang hinala ng mga senior citizens na “kinukarakot” ng ilang opisyal ng senior citizens ang pondo kaya nabibinbin ang kanilang inaasahang allowance.


Nanawagan na rin ang matatanda kay Pasay City Mayor Antonino Calixto na bigyan-pansin ang katandaan na laging inaasahan tuwing panahon ng halalan.


The post Senior citizens, umalma sa Pasay at DSWD appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Senior citizens, umalma sa Pasay at DSWD


No comments:

Post a Comment