Sunday, June 29, 2014

Occidental Mindoro 3 beses inuga ng lindol

INUGA ng lindol ng tatlong ulit ang Occidental Mindoro kaninang hapon, Hunyo 29, 2014.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), huling naramdaman ang 3.2 magnitude na lindol sa silangan ng Paluan, Occidental Mindoro alas-3:04 ng hapon.


Naitala ang intensity 2 na pagyanig sa Puerto Galera, Occidenttal Mindoro.


Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 049 kilometro.


Kasunod nito, naramdaman ang 2.8 magnitude na lindol sa kanlurang bahagi ng Looc, Occidental Mindoro alas-2:54 ng hapon.


Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 032 kilometro.


Samantala, kaugnay nito nauna namang naramdaman ang 2.2 magnitude na lindol sa silangan ng Sablayan Occidental Mindoro alas-9:51 ng umaga.


Ang origin ng lindol ay tectonic ngunit wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa magkasunod na pagyanig.


The post Occidental Mindoro 3 beses inuga ng lindol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Occidental Mindoro 3 beses inuga ng lindol


No comments:

Post a Comment