KUNG nanood kayo ng opening ceremonies ng Fédération Internationale de Football Association World Cup 2014 kamakailan, mamamangha kayo sa ganda ng pagtatanghal at maiisip n’yo kung gaano kalaki ang ginagastos ng host countries sa pagsagawa ng ganitong event para sa world football competition.
Ginagawa ito ng mga bansa tulad ng Brazil dahil malaking bagay para sa pag-unlad ng kanilang bansa ang pandaigdigang atensyon na naibibigay ng mga event tulad nga ng FIFA World Cup.
At hindi pwedeng hindi n’yo mapansin ang venue ng mga laro.
Marangya at malaki ang arena para ma-accommodate and milyon-milyong fans na dumaragsa para manood galing pa sa iba’t ibang parte ng mundo.
Kung tutuusin ay alam natin na may potensyal ang mga Filipino sa larong football. Naipakita na natin ang galing natin sa sports na ito.
Pero gustuhin man nating mag-host ng ganitong event, ang unang problema ay ang venue at ang suporta ng pamahalaan.
Mahal ang gagastusin ng gobyerno para sa isang international event na ganito.
Pero ang problema ng venue, palagay ko ay may solusyon na. Pwede na rito sa atin. Kaya na ng Pinoy.
Ang Philippine Arena na itinayo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan, ay pwedeng-pwede nang mag-compete sa mga venue sa buong mundo kung saan pwedeng magdaos ng mga international event kung ganda at modernity ang pag-uusapan.
May venue na tayo!
Incidentally, ang INC ay magdiriwang ng Centennial Celebration ng kanilang pagkakatatag bilang isang simbahan sa darating na ika-27 ng Hulyo.
Naitatag ang INC noong July 27, 1914.
At ang Philippine Arena ay maaaring maging sentro ng pagdiriwang ng INC sa darating nilang 100th year anniversary.
Ang Philippine Arena ay hindi lang pride ng INC kundi pride ng buong bansa.
Maipapagmalaki na ito ng Pilipinas at inaasahan na magiging venue na ito ng mga mahahalagang pagtitipon at event sa susunod na mga panahon.
Ang Philippine Arena ay isang bantayog ng pagpupugay sa tagumpay ng INC bilang isang mahalagang institusyon sa ating bansa.
Nitong mga nakaraang buwan ay sunud-sunod ang kanilang mga medical mission habang palapit sa kanilang malaking selebrasyon.
Mabuhay ang INC.
Salamat sa inyong kontribusyon sa pag-unlad ng ating mahal na bayan.
The post PWEDE NA RITO SA ATIN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment