Sunday, June 29, 2014

Michael V, mas tutok ngayon sa dalawang shows niya sa GMA!

PALAGAY namin naging practical na ngayon si Michael V na ibuhos ang oras niya ngayon sa dalawang malaking comedy shows ng GMA 7 na siya ang pangunahing bida, ang Bubble Gang at Pepito Manaloto.


Bihira na namin siyang makita sa Eat Bulaga. Lumalabas na lang siya roon minsan bilang co-host o judge sa mga pa-contest ng programa. Natapos na rin ang stint niya sa Killer Karaoke ng TV 5.


Mahalaga si Bitoy (palayaw ng comedian) sa Bubble Gang. Di lang siya comedian, creative consultant siya ng programa. Ibig-sabihin siya ang nagbibigay ng input sa portions na ibig niyang gawin. Tulad ngayon ay napanonood si Bitoy sa Mr. Assimo at Tata Lino. Naroon din siya mga gags portion sa iba’t ibang roles.


Tuwing Friday ay inaabangan ng televiewers ang kanyang portion, kaya naman lalong pinagbubuti ni Michael V ang bawat portion niyang kinaaaniban.


Aba! ‘di na masama ang 19 years niyang pamamayagpag sa BG.


Samantala, kahit nalipat sa ibang araw na time slot ang Pepito Manaloto, tuwing Saturday evening na ang reality comedy show, lalong dumarami ang followes ng show. Naiiba kasi ang approach ng show sa kanilang bawat episode. Binibigyang importansya ang bawat comedian na mag-shine sa bawat episode ng programa.


ooo


MANDY OCHOA, ‘DI ACTIVE SA SHOWBIZ PERO FRIENDLY PA RIN


NADAAN kami sa bonggang birthday party ng character actor na si Tony Boy Dela Rea sa kanilang magarbong bahay sa Commonwealth Ave., near Gotesco Mall. Alam ba ninyo nakita namin doon ang dating actor na si Mandy Ochoa na pwede pa ring lumabas sa TV bilang father roles. Busy kasi ngayon si Mandy bilang top executive ng isang oil company sa bansa.


Mas malaking ‘di hamak ang take home pay ni Mandy kaysa sa iba nating character actor ngayon. Pero kahit big shot na si Mandy sa corporate world, ‘di pa rin nagbabago sa kanyang mga kaibigan at handang makipagsosyalan kapag may important occasion.


Si Tony Boy ay kilala noon bago nag-artista bilang Mr. Teen Philippines noong teenager pa siya.


Nakalaban niya noon ang actor na si Edwin Reyes. Naging ramp model at commercial model ng mga produkto sa television, lumabas rin din siya sa mga programa ng ABS-CBN noon.


The post Michael V, mas tutok ngayon sa dalawang shows niya sa GMA! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Michael V, mas tutok ngayon sa dalawang shows niya sa GMA!


No comments:

Post a Comment