NOONG nakaraang Hunyo 24, 2014, nakapanayam ng inyong lingkod ang isang U.S. Fulbright Student na si Camil Diaz sa Thomas Jefferson Information Center, U.S. Embassy, Roxas Boulevard, Manila.
Isinasalaysay n’ya ang tungkol sa kanyang pamamalagi dito sa Pilipinas, at kung ano ang kanyang ginagawa bilang isang chemical engineering student. Ipinakita ni Camil Diaz ang kanyang ginagawa at pananaliksik sa ilalim ng U.S. Fulbright sa International Rice Research Institute (IRRI), na matatagpuan sa Los BaƱos, Laguna. Kasalukuyang, siya ay nagtatrabaho sa Genetic Transformation Lab, sa pangunguna ni Dr. Inez Slamet-Loedin.
Ang pangunahing mithiin at naisin ng kanilang BMGF-funded project ay upang pataasin ang iron content ng pinakintab na puting bigas (rice grains) bilang isa sa mga paraan upang mawakasan ang ukol sa kakulangan ng iron, na isa sa mga paraang pinagmumulan ng malnutrition at pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng anemia ng karamihan.
Ang ganitong uri ng stratehiya ng rice iron biofortification ay aayon sa kasalukuyang pagnanais na mapataas ang pagkonsumo ng iron ng mga tao na nahaharap sa mataas na uri sa pagkakaroon ng kakulangan ng iron sa mga tao na nagiging sanhi ng anemia ng mga buntis na babae at ng mga kabataan.
Bukod pa roon, ang kanilang proyekto ay nakatuon sa mga pangunahing bansa, tulad ng India, Bangladesh, Indonesia at Philippines, na komukonsumo ng bigas na nagpapakita ng mataas na bahagdan ng kakulangan sa iron.
Upang makapagpaunlad ng bigas na may mataas na uri ng iron, si Dr. Slamet-Loedin at ang kanyang team ay naglagay ng genetic engineering tools na nagpapaunlad sa parehong kilos ng iron sa pamamagitan ng pagtatanim ng butil ng bigas ng nito. Gayundin sa kabuuang iron storage at kapasidad ng mga butil ng bigas na naturan.
The post TALAKAYAN AT PANAYAM SA U.S. FULBRIGHT FELLOW appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment