KANYA-KANYA ang reaksyon ng mga mamamayan sa state of the nation address ni Pangulong Noynoy S. Cojuangco Aquino.
Sa mga nakatira sa mga squatter areas, ang ibig-sabihin ng SONA ay simple lamang. Ito ang sapilitang paghuli ng mga taga-squatter areas na pinaghihinalaang mga kriminal, may batayan man o wala, kay may tattoo ka o wala, kay adik at pusher ka man o hindi, kay may sala ka man o wala.
Every year sa ganitong panahon, may SONA rin ang pangulo, at ang SONA ay ginagawa sa Batasang Pambansa na kung saan naroon ang napakaraming pinaghinalaang mga senador at mga congressmen na talamak sa pagnanakaw ng pera ng bayan.
Pero sa sonang ginagawa sa Batasan, hindi pinaghuhubad ang mga suspek at ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kapanalig.
Bagkus, kay gara ng kanilang mga damit, mga terno at mga nagniningning na mga alahas.
‘Yan ang state of the nation pero ayon sa mga palabiro, hindi raw dapat tawagin itong state of the nation. State of Donation daw ang itawag dito. Bakit?
Ang gobyerno kasi natin ay laging umaasa na lamang sa mga donation, lalo na kung may malaking sakuna.
State of calamity ang tawag naman ng mga mayor, mga governor at Pangulo sa kasong ito.
Sa bawa’t donation ay may ill-gotten wealth na involved kaya kay raming mga politician ang tuwang-tuwa.
Pagkakataon na naman nila na ibulsa ang pera ng bayan at ang mga donasyon ng mga pribadong sektor, lalo na kung bigay ito ng foreign donors.
Kawawang bayan. Ang mga salapi, armas at mga barkong nais mapasakamay ng gobyerno ay galing sa America, sa Japan, sa Brunei at iba pa.
Simpleng mga computer sets ay na dilihensiya pa natin sa Japan. Pati gatas at harina, galing pa sa donation ng US Aid.
The post STATE OF DONATION appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment