MAAARING nalilibang tayo sa usapin ng pork barrel scam. Nandiyan din ang tutok ng isip at mata natin sa walang katapusan na pagtaas ng presyo ng lahat ng uri ng bilihin at gastusin. Isama ang mala-dominong epekto sa sandaling itaas ang presyo ng gasolina, krudo at mga kauring produkto. Unti-unting kamatayan!
Itong nagdaang linggo ay hinambalos ng kritisismo si Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) dahil sa lumalalang kriminalidad sa bansa. Tanong ng marami, may pulis pa ba tayo?
Dahil sa ingay ng madlang pipol, nag-utos si BSA3 ng pulong sa Camp Crame kamakailan, punong tanggapan ng Philippine National Police (PNP). Dumalo si Aquino kahit sandali lang, kasama si Interior secretary Mar Roxas, CPNP Alan Purisima at matataas na opisyal ng pambansang pulisya.
Nasuka lang tayo nang sabihin ng isang opisyal sa pulong na iyon, “Kaya tumaas ang crime rate index ay nagsasabi na raw ng totoo ang mga pulis sa kanilang records!!???” Tanging inang iyan!
Kung ako si Mar Roxas at Purisima, itataas ko ng ranggo ang opisyal na nagsabi niyon pero sa Sulu at Basilan lang siya dapat ma-assign!
Eto ang maganda na tingin natin ay hindi napuna ng maraming tropa. Noong sabihan ni Pangulong Noynoy ang lahat na GAYAHIN, KOPYAHIN ang anti-crime drive operations ng Quezon City Police District (QCPD). Ibig lang sabihin, alam ni Noynoy ang mabisa at epektibong pagpilay ng QCPD sa mga kriminal.
May lumabas pa nga kailan lang na pinakamataas daw ang krimen na naganap ay sa Quezon City? ‘Yun ang sinungaling!
Tandaan natin na ang Quezon City ay puso ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
May nangholdap ng bus sa Caloocan City, Mandaluyong, Makati, Manila habang bumibiyahe. Matapos malimas ang pera’t gamit ng mga biktima, mabilis na bababa ang mga holdaper na sa oras na iyon ay umabot ng Kyusi ang panlilimas. Ibig bang sabihin, ang krimen ay sa QC naganap?
Anyway, saksi tayo sa mga matagumpay na operasyon ng QCPD. Laban sa riding-in-tandem, iligal na droga, trigger happy killers, holdap, tutok-kalawit, pang-aabuso, pagpatay, etsetera. Sa maikling panahon o oras lang, nalulutas agad nila. Mahusay sina Major Rodel Marcelo at Bert Razon, kasama lahat ng tauhan nila.
Bakit? Todo suporta kasi si Director Richard Albano sa lahat ng tauhan niya. Todo bigay ang panggastos sa lahat na operasyon. Simple. Ang maganda, sa oras na walang krimen, isa-isa niyang inaakbayan, kinakausap, nilalambing ang kanyang TSAMBA TEAM na isang mabisang gawa ng isang tunay na lider!
The post KOPYAHIN ANG ANTI-CRIME NG QCPD appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment