SA rami ng ‘scam’ o anomalya na nangyayari sa mahal nating Pilipinas, hindi malayong baka tawagin na tayong ‘bansa ng mga mandurugas.’
Hindi pa nga tayo nakahihinga sa isyu ng P10 billion pork barrel, pumutok na naman ang pandaraya raw sa buwis ng isang tobacco manufacturer.
Tumataginting na P16 billion ang nawawala sa Pinas dahil umano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis ng Mighty Tobacco Corporation.
Nauna nang ibinulgar ng Oxford Economic and International Tax and Investment Center na noong taong 2013 nadaya ang Pinas ng P16B tax.
Ayon sa pag-aaral ng naturang foreign economic firm, ang naglahong P16B tax ay dahil sa illegal cigarette trade na malayang nakapag-ooperate sa bansa.
Pero kung ang Bulacan-based tobacco company ang tatanungin, ‘di raw sila tax evader dahil sila’y nagbabayad ng tamang obligasyon sa gobyerno.
Sa report, kanilang itinuro ang kalabang Philip Morris na siyang gumagawa ng alingawngaw, gamit ang findings daw ng Oxford firm.
Wala tayong pakialam sa away na ito ng dalawang kompanya ng tabako.
Ang mahalaga ay malaman ang katotohanan kung may katotohanan o wala ang sinasabi ng Oxford firm na nawalan ng P16B tax ang Pinas.
Ang Department of Finance ay naalarma sa ulat na ito kaya ipinag-utos daw ni Sec. Cesar Purisima na silipin ang findings ng Oxford.
‘Di natin minimenos ang gagawing imbestigasyon ni Sec. Purisima, pero kung ang hanap natin ay katotohanan, dapat ay makatotohanan din ang inquiry.
May sinasabi na ang maniobra ay nagsisimula sa Bureau of Customs, kaya iniatas na rin ni Purisima ang pagpapasara ng mga warehouse ng Mighty.
Akala ba natin ay matino na ang BoC mula nang si Comm. Philip Sevilla ang hepe?
Bukod sa DoF, dapat ay mag-ingay rin ang Senado at Kamara – sila’y mag-imbestiga – para makalkal ang isyu na ito para ‘di mauwi sa basurahan.
Ang P16B ay napakalaking halaga na ‘di natin dapat ipagwalang-bahala.
The post P16B TOBACCO TAX SCAM appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment