Friday, June 27, 2014

Lolo arestado sa pangmamanyak

NAARESTO na ng awtoridad ang isang biyudo dahil sa dalawang kasong panggagahasa sa Cabusao, Camarines Sur.


Sa isinagawang imbestigasyon, kinilala ang suspek na si Florante Hade, 75, residente ng nabanggit na lugar.


Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cecilia Borja-Soler para sa kasong two counts of rape na walang inirerekomendang piyansa.


Nadakip ang suspek sa isang boarding house sa bayan ng Sipocot na sinasabing pinagtataguan nito.


Hindi na rin pinangalanan pa ng mga pulis ang biktima ng suspek.


Sa ngayon, nakatakdang ibiyahe pabalik sa court of origin ang suspek.


The post Lolo arestado sa pangmamanyak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lolo arestado sa pangmamanyak


No comments:

Post a Comment