Monday, June 30, 2014

Bebot na tulak, nadakip sa Pangasinan

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Isang babaeng “drug pusher” na umano’y nagbebenta ng iligal na droga sa mga college student ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City, sa nasabing lalawigan kaninang umaga, June 30.


Kinilala ng Dagupan City police ang suspek na si Monet Salazar, 36, ng Herrara St., ng nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-9 ng umaga sa harap ng isang university sa bayan.


Isang concerned citizen ang nagsabi sa awtoridad tungkol sa iligal na gawain ng suspek at sa puntong ito agad namang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga lokal na pulis.


Agad na pinosasan ang suspek pagkatapos niyang iabot ang shabu sa undercover agents.


Ayon sa pulis, target ni Salazar na pagbentahan ng shabu ang mga college student pati na ng out of school youth (OSY).


The post Bebot na tulak, nadakip sa Pangasinan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot na tulak, nadakip sa Pangasinan


No comments:

Post a Comment